Saturday, January 8, 2011

Gondola Ride

You and I are getting closer and closer again. Hindi ko alam kung dapat akong maging masaya. Alam kong nararamdaman mong isang hatak mo lang, makukuha mo ulit ako. Pero hindi ko alam kung anong nasa isip mo, o di kaya anong nasa puso mo.

Meh. Ayoko na sanang magdrama eh. Kaso hindi ko na talaga kaya. Ang hirap lang kung hindi ko ivevent out. Mahal ko siya, kaso nasasakal na ako. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin tong pagkapit kong halos kuko nalang. Ang masaklap pa. Overcut yung mga kuko ko. I'm barely hanging on.

Hindi ko masabi sa kanya kasi alam kong nasasaktan na siya. Sisiguraduhin ko nalang ba na hindi ako ang unang bibitaw?

Nalulula na ko. Bakit ko pa ba naisipang sumakay sa gondola mo, kung palilipatin rin pala ako?

No comments: